Wednesday, May 17, 2006

Wala Ka Na

sa gitna ng kaguluhan ng isip
nais kong kumuha ng patalim
ilagay sa iyong palad
at sabihing
itarak mo na lang ito
sa aking dibdib

mas nanaisin pa
ang sakit na dala
ng bakal na humihiwa
sa aking balat at laman
kaysa pagmamahal mo'y
hindi na maramdaman

mas nanaisin pa
na dugo'y umagos
mula sa sugat
na bunga ng patalim
kaysa luha'y umagos
sa magkabilang pisngi

mas nanaisin pa
na malamang
wala na akong pag-asa
kaysa marama
at malamang
wala ka na

0 Comments:

Post a Comment

<< Home