Monday, February 06, 2006

Poem: Di Mapadalang Liham (Filipino)

Hindi maaaring hayaang malaman mo
Ang aking mga damdaming nilalaan para sa'yo
Ang aking mga ngiti sa tuwing ika'y nagkukuwento
Tungkol sa minamahal mo ay mapagbalatkayo
Sa tuwing ang iyong tawa, sa iyong labi'y dumadampi
Sa tuwing sa'king kamay, ika'y kumakapit
Sa tuwing ang hangin, sa buhok mo'y naglalaro
Pilit kong ipinipinid ang pinto ng aking puso

Kahit sa iyong tingin na ang mahal ko ay iba
Kung ikukumpara sa'yo, ika'y lahat at siya'y wala
Kahit sa iyong tingin, iba'ng tibok ng puso ko
Kung alam mo lang, bilanggo mo ako
Sana'y maaaring pamarisan ng ibang nilalang
Sana'y angkin mong kagandaha'y sa iba inilaan
Sapagkat sa aking isip at kahit sa puso man
Hindi tayo magkakasama magpakailan pa man.

Dedicated to Rainstruck and Steph.
I wrote this at a point in my life when I believed myself to be powerless to command my destiny and the whims of my heart. And then, I graduated from high school.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home