Friday, May 18, 2012

Alam Ko

Alam ko kung ano'ng sinabi ko
Sinabi ko sayo
Maging maligaya ka
Sinabi ko sayo
Wag kang magaalala
Sinabi ko sayo
Tiyak makakahanap ka ng iba
Na magmamahal sayo
At magbibigay sayo
Ng buo nilang pagkatao
At di ang pira-pirasong pangarap
Na binigay ko

Alam ko kung ano'ng di ko nasabi
Hindi ko nasabi
Na hirap akong lumigaya
Hindi ko nasabi
Na ayaw kong mawala ka
Hindi ko nasabi
Na pag nahanap mo na siya
Na mahirap ikubli
Ang aking pagkakasawi
At mahirap pakawalan ang mga piraso
Ng pangarap ko

Alam ko kung ano'ng sinabi mo
Sinabi mo sakin
Ako ang kaligayahan mo
Sinabi mo sakin
Mahal mo rin ako
Sinabi mo sakin
Siya na ang hinahanap mo
Mahal ka niya at aaralin mo rin
Na siya ang bago mong mamahalin
Ng buong-buo

Alam ko.

Thursday, November 12, 2009

Song: Remembering Christmas

I hear the clock and it's ticking December
Another year's gone by
I feel the rush, but the people are waiting
Standing still in line

There are gifts to place
There are parties to face
And decorations to raise
But I stop for a beat
And still restless feet
And I let myself breathe...

And then I remember
The many things that You gave me
Throughout the year
And then I remember
The little ways that You changed me
And all those I hold dear
And I do remember, too
To tell You that I thank You

I hear a page of my Life Book turning
To another end
With a smile, I can face new beginnings
With family and friends

There are joys to receive
There are sorrows to grieve
And new things to perceive
So for one byembye
I let the world pass me by
As I close my eyes....

And then I remember
The many things that You gave me
Throughout the year
And then I remember
The ways that You mold me
And all those I hold dear
And I do remember, too
To tell You that I thank You

I just wanted to say
That on this special day
Happy birthday

And let me remember
The many things that You gave me
As I lift them up to You
And let me remember
The many ways that You mold me
To do what You want me to
And let me remember, too
How much I should love You

I remember You...

Tuesday, November 03, 2009

Song: Darating Din Yan

Miss, Miss Maganda
Huwag kang matakot
Mawalan ng pagasa
Marami pang lalaki dyan sa tabi-tabi
Huwag kang magmadali...

Darating din yan,
Huwag kang magalala
Darating din yan

Miss, Miss Matalino
Huwag kang mabagot
Mawalan ng pagasa
Marami ang nangangailangan ng
'Yong angking kakayanan....

Darating din yan,
Huwag kang magalala
Darating din yan

Kung swerte, lalaki, ang hanap mo
Kung pera, trabaho, o pagbabago
Walang imposible sa tamang panahon
Pagsikapan mo lang, darating din yon

Darating din yan
Magsumikap ka lang
Darating din yan

Wednesday, September 16, 2009

Song : Lakad

Naglalakad ng walang pupuntahan
Taas-noo pero walang minamasdan
Pinipilit na buuin ang loob
Kahit di alam kung kaya ang pagsubok

Kahit pa wala na ang panaginip
At hindi alam ang gagawin ngayong gising
Sa gitna ng gabing di matawaran ang dilim
Naduduwag at baka nangangarap pa rin

Ngunit kahit ganito lang ako
Gusto pa rin kitang pasalamatan
Di katulad ko, hindi mo ako binigo
Salamat, kaibigan

Naglalakad ng walang kasiguruhan
Taas-noo pero hindi alam ang daan
Pinipilit na maging higit sa kaya ko
Kahit masyado nang pagod

Song : Supah Villain

Sige lang, lahat kayo
Sige lang at tumakbo
Sandali na lang at
Darating na ako

Bulungbulungan at tsismisan
Ako na naman ang laman
Ako ang paborito ninyong
Kamuhian

Ako ang supervillain ng mundo
Itinadhanang laging talo
Ang supervillain ng mundo
Kalaban ko ang superhero

Sige lang, lumayo ka
Alam ko kung sa'n ka pupunta
Magtago ka sa yakap nya
Magsama kayong dalawa!

Bulungbulungan at tsismisan
Kayo na naman ang laman
Ang kuwento niyong masaya
Magpakailanman

Siya ang superhero ng mundo
Itinadhana na manalo
Ang superhero ng mundo
Siya palagi ang kalaban ko...

...Di naman talaga ako masama
Meron lang akong isang pangarap
Simple lang naman itong gusto ko
Ang pagharian ang mundo mo

Ako ang supervillain mo
Mangangarap kahit matalo
Ang supervillain mo
Lalaban kahit bugbog sarado
Ang supervillain mo
Tinalo ng 'yong superhero....

Monday, January 19, 2009

Nagsisisi ka ba, Hudas?

Kung mayroong tauhan sa Bibliya na nakukuriri sa pagbanggit ng kanyang pangalan ay siyang si Hudas. Sapagkat nababanggit lamang ang kanyang pangalan sa panahon ng matinding galit o suklam. Hindi tulad ng ibang mga apostoles na kasabayan niyang sumunod sa mga balangkas ni Hesus, hindi siya nadadasalan ng mga nagsusumamo at nagpupuri bagkus ibinubulalas sa panahon ng poot at muhi.

Kaya't nang may isa na namang nagsambit ng panunumbat na "Hudas ka!" hindi na napigilan ng lalaking ilang henerasyon nang tinawag na 'tagapaglulong ni Hesus' na sumilip sa pagitan ng mga ulap at bumuntong-hininga.

Dahil sa lawak ng kanyang pangunawa at lalim ng kanyang misericordia, nabatid ni Hesus ang pinagdaraanan ng kanyang dating alagad kaya Niya ito nilapitan at kinausap.

"Hudas, ano ang sinisilip mo riyan?" ani ng Panginoon.

"Guro," ang bati ng apostoles. "Malaki po ba ang kasalanan ko sa Inyo?"

Pinagmasdan ng Tagapagligtas ang kanyang alagad at marahang ngumiti. "Nagsisisi ka na ba sa nagawa mo, Hudas?"

"Sa isang banda," tugon ng apostoles, hindi pansin ang pagbabago sa mukha ng kanyang dating ibinenta sa mga pariseo.

"Sa isang banda?"

Tumango ang alagad. "Sa isang banda, nagsisisi ako sa pagdurusang Inyong pinagdaanan. Ilang dantaon na po akong nagsisisi at lumipas man ang ilang dantaon pa'y hindi mawawala o magmamaliw man lamang ang pagsisising iyon."

Tumango si Hesus at tahimik na naghintay para sa sunod na sasambitin ng kausap.

"Pero kung hindi po Kayo namatay sa krus, sila..." gumuhit si Hudas sa hangin gamit ang isang braso ng isang malaking arko, upang ilarawan ang ibig sabihin. "Silang lahat po ay hindi magkakamit ng buhay na walang-hanggan. Noo'y hindi ko po alam kung bakit Ninyo ako pinabayaang gawin ang bagay na yaon, ngunit kapag nakikita ko ang lahat ng naligtas ng Iyong pagpapakasakit, nauunawaan ko na."

"Sa tingin mo ba'y hindi ka nagkasala, Hudas?"

Umiling si Hudas. "Ang pagkaganid ko sa pera'y ang bagay na sumira sa akin. Gayon lamang ang kakayahan ng Diyos, Iyong Ama, sapagkat nagawa Niyang isang pagliligtas ang aking pagkakasala."

"Nagsisisi ka ba, Hudas?"

"Opo," sagot ni Hudas. "Umabot sa sukdulan na ito'y aking ikinamatay."

"Nalalaman mo ba kung bakit kinailangang mangyari ang mga nangyari?" tanong ni Hesus.

"Upang mailigtas ang sangkatauhan," sagot ni Hudas. "Ito po ang kahulugan ng Inyong pangalan, di po ba?"

"Kung sa Diyos na kayang gawing pagliligtas ang iyong kasalanan, hindi kaya'y kaya Niyang magligtas sa ibang paraan?" tanong ni Hesus.

Natahimik si Hudas ng sandali at inalala ang mga itinuro ng Guro noong sila'y nagiikot pa, "Walang imposible sa Kanya. Hindi matatawaran o matatapatan ang misericordia ng Inyong Ama."

"Ating Ama," ang mahinahong pagtama ni Hesus. "Iyon ang kagustuhan Niya. Tinanggap Ko iyon at ipinagkasatuparan. Nagsisisi ka ba, Hudas?"

Nagtaka si Hudas, at napaisip sa ikatlong beses na pagtanong. Sa sandaling nalinawan siya, napawi ang mga anino sa kanyang mukha. Hindi man siya nangiti, nabawasan ang bigat sa kanyang mahinang tinig, "Hindi na po."

Batid ang saya sa pagtango ng Iisang Anak ng Diyos at tinapik ang balikat ng Kanyang kaibigan. "Mabuti naman at naiintindihan mo na."

Saturday, November 01, 2008

Azotea

Excerpt from my novel on hiatus "El Libri de Pecadores". I wanted to post this somewhere for posterity. =p

-

As though he expected it of her, Danilo looked up to find Isabel, still donning her dancing skirts and glittery payneta, at the azotea of her grandfather's mansion. Because of the cold December air, the young priest felt a quaintness at her choice of vantage point. From his own position within the milieu of merrymaking, the azotea appeared lonely. It was distant, unreachable, and lofty. Brightly lit with imported lanterns, it was a glimpse of what heaven was amongst the stars. As the crowds urged Danilo to move forward, towards the church, he held himself still, resisting, to observe Isabel for a moment more. He had also watched her during the mass. She sat between her tia and her abuelo. A small smile, shy-seeming on her beautifully deceiving maiden face, touched her rosy lips lightly. She had been apparently amused.

Curious, as he was wont to be when it came to matters concerning Isabel, Danilo joined Padre Cirino at Don Miguel's dinner party. And, as though she expected it of him, Isabel made herself available for conversation by seating herself inside the drawing room. When Danilo saw her, her female companions immediately greeted him politely, kissing his hand respectfully. He blessed Isabel's companions and they left, gossiping amongst themselves, the concerns of women they did not think a priest like Danilo should hear.

Isabel stepped forward, her eyes properly lowered and bowed her head and kissed Danilo's hand. The soft caress of her lips instantly weighed his cross of lust. "Benedicite, Isabel."

"Benedicite, Padre," Isabel replied as she met his eyes. Her gaze held no question even as she spoke one, "You wish to speak to me?"

Danilo said nothing, but walked to the azotea, instead, wondering what she saw from that place. He almost laughed when he realized that there was nearly nothing to see. He walked a few steps down, trying to get closer to the street, but still there was nothing. Isabel had followed, silent and observant. She kept her place at the top of the stairway, watching with no wonderment in her expression.

When Danilo finally faced her, she spoke. "There is an irony here. When I watched the people pray for protection and guidance, I could not help to smile."

Confused, Danilo frowned at the woman, "You speak as if there is irony in prayer."

Isabel laughed demurely. "There is irony in prayer," she confirmed. "For there is no patroness to hear."

Sunday, June 29, 2008

Quiapo - 23 June 2008

Pinagmamasdan kita,
Mukhang Diyos ang kawangis,
At ang simple mong saplot
Ng dumi at pawis.