Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Pabalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin nang pinili ng ulan na bumuhos na para bagang iniiyakan ang gabing namamaalam. Hinalukay ko ang malaki kong bag, hinahanap ang payong kong palagi kong kasama. May mangilan-ngilang tuldok na rin ng mga patak ng tubig ang blusa ko nang makita ko ang mailap kong payong. Inilabas ko ito at dali-daling binuksan.
"Silong ka," ang simple kong imbita sa kasama kong si Simon na hindi man lang natinag sa kanyang pagtitig sa kalsada at paghanap ng masasakyan naming taksi. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at mabilis kong inilapit ang sarili ko sa kanya upang maisukob siya at ang aking sarili sa aking maliit na payong.
Hindi noong lumapit ako o noong dumampi ang balikat ko sa balikat niya, kundi noong tinignan niya ako at naaninag ko ang mukha ko sa kanyang mga mata na naglaon sa akin kung gaano talaga kami kalapit sa isa't isa. Parang kunehong hinahabol ng aso ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi lingid sa kaalaman ko na may nararamdaman akong higit sa pagkakaibigan para kay Simon at hindi naman nagkulang sa pagpapaalala ang aming pagkamalapit tungkol dito. Biglang parang naging masyadong maliit ang sinasakluban ng payong ko.
"Mukhang matatagalan tayo sa pagkuha ng masasakyan," ani niya na walang muwang sa aking pagkabalisa. "Walang dumadaan."
Huh. Huminga ako ng malalim bago sumagot. Tunog nagbubuntong-hininga, pero sa totoo lang, nagpapakalma. "Napansin ko nga."
Lumipas ang hindi kaunting minuto na walang ibang salitang namagitan sa amin. Tahimik kaming nakinig sa masigabong palakpakan ng ulan at semento. Hindi ko alam kung hinihintay rin niyang tumigil ang delubyo, pero wala naman kaming ibang maaaring gawin sa sitwasyong iyon.
Tulad ng dati, siya ang unang nagsalita at nilunod ng kanyang boses ang tagaktak ng ulan. "Lorraine, para bang umiiyak ang langit ngayong gabi?" napansin ko ang kaunting impit sa kanyang boses. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong sumagot, dahil mabilis niyang naidagdag ang bumabagabag sa kanyang isipan. "Sa tingin mo, iniiyakan din ba niya ang paghihiwalay namin ni Kaye?"
"Siguro," and tugon ko habang sinusubukang hulihin ang hiningang parang biglang nakipaghabulan sa pintig ng puso ko. "Marami sigurong iniiyakan yang langit ngayong gabi," ani ko sa kanya. Ako rin, iniiyakan din siguro ako ng langit, ang dagdag ko pa sa aking sarili.
Pasaway ang boses kong pumiyok sa gitna ng aking pagsasalita. Pero, kung nadinig man niya ito, hindi niya ito binigyang pansin. Wala ni isang tunog na nagmula sa kanya. Hindi man lamang siya humikbi o kaya ma'y bumuntong-hininga. Kung hindi dahil sa pagiging malapit namin sa isa't-isa, hindi makikita ang luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
"Kung may kailangan kang ilabas, ibuhos mo," tinapik ko ang kanyang balikat bilang tanda na naririto lang ako bilang kaibigan. Ang paglagi ng kamay ko sa kanyang balikat ang simbolo ng walong taong paglagi ko sa kanyang tabi. "Sabayan mo na ang ulan."
At, tulad ng maitim na langit na biglang nagpakawala ng parang hindi titilang bagyo, tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata at umagos ang mga salitang puno ng mapait at bigong pagmamahal mula sa kanyang mga labi. Ngunit, hindi tulad ng ulan, wala akong kahit ano'ng payong upang sukuban at protektahan ang sarili ko mula sa katotohanang hindi ako ang may kayang magpaiyak sa kanya ng ganoon. Tumayo ako sa gitna ng dilim at lamig ng hindi masukliang pag-ibig ng walang pananggalang.
"Mahirap bang sabihin kung ano talaga ang nararamdaman mo?" ang pagtatapos ni Simon sa kaniyang kuwento tungkol sa pagtataksil ni Kaye.
Naramdaman ko ang titig niyang nakabaling sa akin. Nanlamig ako, lalo na't parang bagang unti-unting sumusunog sa maskara ng pagkakaibigang suot ko ang mga mata ni Simon. Mahirap kung alam mong magiging kumplikado ang lahat. Mahirap kung alam mo kung ano ang maaaring mawala sa'yo. Mahirap kung alam mong masasaktan ka lang sa pagtatapat at mas mahirap kung alam mong makakasakit ka kapag ibinunyag mo ang katotohanan. Maraming dahilan, maraming paliwanag, pero isang salita lang ang nakayanang bigkasin ng nagaalinlangan kong mga labi, "Oo."
Natahimik si Simon ng pansamantala. Sinusubukan yata niyang basahin ang kung anumang damdamin ang nakaguhit sa aking mukha. "Bakit naman?"
"Dahil mapaglinlang ang mga damdamin, mapagtaksil ang mga puso, at mapagbiro ang tadhana," ang mailap kong sagot. Alam kong hindi ko kailangang bigyang kahulugan ang mga sinabi ko. Alam kong para na rin akong nagtapat sa kanya.
Kinuha ni Simon mula sa akin ang payong at hindi ako pumalag. Hindi rin ako pumalag nang gabayan ng kanyang kamay ang aking mukha upang bumaling ang tingin ko sa kanya. Hindi na ako nakapalag nang ilapit niya sa mukha ko ang mukha niya, nang idampi niya ang kanyang labi sa aking labi, nang itulak niya ang aking likod patungo sa kanya upang mayakap niya ako nang mahigpit.
Ilang sandaling parang tumigil ang pagikot ng mundo. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Parang tumahimik ang tagaktak ng ulan sa semento. Ipinagdasal ko na hindi na sana tumigil ang ulan, na wala na sanang dumaang masasakyan patungo sa aming hotel. Ipinagdasal kong hindi na sana matapos ang sandaling iyon.
Pero, puso ko ang unang nagising. Narinig ko ang biglang mabilis at malakas na pagpintig nito. Ako ang unang kumalas sa pagkakasiping namin. Ako ang unang nakakita sa ilaw ng taksi. Ako ang pumara rito. Nakakabingi ang tunog ng pagpalakpak ng ulan sa semento. Hindi ko na halos marinig ang boses ni Simon habang nagmamadali akong habulin ang sasakyang maghahatid sa amin sa aming tutulugan sa gabing iyon. Sa loob ng taksi, parang may taong nakaupo sa pagitan naming dalawa.
Binayaran ni Simon ang taksi. Iniabot niya sa akin ang aking payong. "Sorry," mula sa kaibuturan ng kaniyang puso ang salitang iyon.
"Ayos lang," tumango ako at tumalikod upang tumungo sa sarili kong kuwarto.
"Sa susunod na uulan," sabi ni Simon kaya ako napatigil at napatingin sa kanya. "Ikaw pa rin ba ang makakasama ko?"
Ngumiti ako kahit parang pinaglalambitinan ng mundo ang mga gilid ng labi ko. "Mapaglinlang ang mga damdamin, mapagtaksil ang mga puso, at mapagbiro ang tadhana," iyon na lamang ang nasabi ko kay Simon.
Nangiti rin siya at saka pumunta sa bar upang uminom.

1 Comments:
such bittersweet narrative. haaaaayy. that's all i can say.
Post a Comment
<< Home